Para kay Kris.
Kinaya niyang sabihin in a nice and non-dramatic way yung mga pinamukha mo sa akin. Ewan ko. Kaya naman pala eh. Ikaw lang talaga itong madrama at nagsensationalized ng lahat.
I mean, pwede mo siya sabihin in a way na hindi offensive ang dating. Pero pinili mong ganun. Yung may maasar pa sa’yo. Tapos kapag naasar sa’yo, syempre maasar ka din. Tapos pareho na kayong asar sa isa’t isa. Hashtag life.
Para kang media, you sensationalized things na hindi naman dapat. Yung dapat spark lang nagiging forest fire tuloy. Yung wisik lang, nagiging tsunami. Yung utot sa’yo, LBM na pala ang katumbas.
Seryoso, masarap mabuhay lalo kung hindi mo masyadong sineseryoso at niroromanticize ang mga bagay-bagay sa paligid mo. Baka praning ka lang.
Conceited at self-centered ako gaya mo, niya at lahat ng tao sa planet Earth.
Sabi ko sa sarili ko dati, mahaba ang pasensya ko. Matagal bago ako mapuno. Pero hayskul ako nun. Ngayon, parang isang malaking kasinungalingan na lang lahat ng yun.
As in, punong-puno na ako. Gusto ko na lang sumabog. Nahirapan din ako magblog kasi una, walang oras. Pangalawa, naconscious ako kasi sabi ng kakilala ko, one-sided daw yung mga pinagsasabi ko dito at pinagmumukha kong masama yung kabilang panig.
In my defense (choroy), hindi yun ang intensyon ko. Una sa lahat, paano ko masasabi yung isang panig kong hindi ko naman ito alam. Ano, magiimbento ako? Masmasama naman yun. Saka we always have are own biases. Walang neutral sa mundo. Pangalawa, hindi ko hawak paano ang magiging interpretasyon ng mga mambabasa sa mga pinaglalalagay ko dito.
Salamat sa aking mabuting kaibigan at sa kanya ako nakapaglabas ng sama ng loob kanina. Yung hindi ka sasabihan ng kung ano-ano kasi alam niyang down ka na nga. Yung iintindihin ka niya kasi alam niya pinagdadaanan mo. Yung alam niyang kailangan mo lang ng makikinig at hindi magsesermon sayo. Ano ka, pari? Homily? Minsan kasi, wag masyadong self-righteous.
Sa tingin ko, yun ang halaga ng isang kaibigan. Yung may makakaunawa sayo sa kabila ng lahat at gaano man ka-one-sided yang kwento mo. Na kahit may problema siya, papakinggan ka niya at hindi ka niya huhusgahan. Ipaparamdam niya sayo na may puwang ka sa buhay niya, na ispesyal ka at hindi ka lang muta sa universe at hindi ka nagfifish lang ng awa.
Salamat dun sa kaibigan ko na yun. Mwahugs.
Babala, nakamamatay mainlove. Lalo pag tanga.
Para kang tanga, sinabi mo noon di mo siya magugustahan, ngayon inlove ka na.
Para kang tanga, alam mong may hinihintay siya, sinisiksik mo pa rin sarili mo sa kanya.
Para kang tanga, ang layo mo sa hinahanap niya, umaasa ka pa rin sa kanya.
Para kang tanga, alam mo namang go with the flow lang siya, sineseryoso mo naman na.
Para kang tanga, tinataboy ka na nga, ayaw mo pa ring tantanan.
Para kang tanga, madalas na nga kayo malabo, naniniwala ka pang maayos mo pa.
Para kang tanga, di talaga ikaw gusto niya, sana maintindihan mo na.
Para kang tanga. Hindi pala para, tanga ka talaga.
Trying to make sense of us
Heto nanaman ako, nagmumukhang tanga…sa display picture ko. Okay?
Pero kasi ang init na ng panahon. Seryoso. Naligo na ako lahat-lahat, hindi pa rin ako natutuwa sa init na nararadaman ko. Malapit na nga talaga ang tag-init. Uso nanaman ang halo-halo at bungang araw.
Naalala ko noon, nagkaka bungang araw ako. Kadiri hawakan. Parang may tumutubong durian sa balat ko. Butlig-butlig. Ew.
Tapos nagshoot pala kami kanina sa Manila Bay. Jusko. Umaalingasaw yung amoy. Sarap singhutin tsong. Tapos ang hirap ng shinoot ko (as usual, ako nanaman ang dakilang bida): kailangan ko maupo sa harang sa Manila Bay ng 30 minutes para sa isang less than 5 minutes na time lapsa effect. Di ko kinaya yung dayalog ko.
At ang pagsuko at pagtigil sumubok ay hindi nangunguluhugan na hindi mo ito ginusto ng sobra kundi minsan alam mo lang kailan ka hihinto para hindi ka na magmukhang tanga. At para makafocus ka na sa ibang bagay na magpapasaya sa’yo.
Sabi nila pag mahal mo ang isang tao na may mahal na iba, ang selfless mo. Para sa akin, ang selfish mo. Hindi mo naman siya minamahal para sa iba eh. Minamahal mo siya para sa sarili mo kasi dun ka masaya pero in a way, dun ka dn nagmumukhang tanga.
Gusto ko ng malamig na tubig.
Gusto niya magpapicture sa akin, pinagbigyan ko naman. Gwapo ko eh. Chos.
Friend, yan si Faye. Kasabay ko yan nag tryouts noon sa Animo Squad. Kung alam mo yung pinagdaanan ko nung mga panahong yun, alam mo anong meron. Hihi.
Voice at night
Namimiss kita. Sobra.
Namimiss kitang kasama tumambay after class. Namimiss kita kasabay sa bus. Namimiss kausap hanggang madaling araw kahit wala naman tayo madalas pinag-uusapan Namimiss ko yung pambabara mong text. Pero masnamimiss ko yung sweet mong text. Namimiss ko yung smile mo. Namimiss ko yung tingin mo. Namimiss ko yung tawa mo at yung boses sa gabi. Namimiss kong haplusin yung buhok mo. Namimiss ko pag pinagtatalunan natin ano nga bang meron at nag-eend up akong sinasabi gaano ako kasaya sa’yo.
Fuck. Namimiss na kita. Sobra.
Walang maganda sa mundong ito
Habang paakyat sa elevator, narealize ko lang na isa ako sa mga tao na pinanganak na walang coolness o hotness sa katawan. Walang swag. Walang sizzle. Walang abs. Walang maangas na moves. Wala. Normal lang yung kilos at galaw ko.
Kaso, sa mapanghusgang mundo na ginagalawan natin, gusto lagi ng mga tao yung may abs na pang Showtime yung moves. Yung kayang ibaladra yung pangangatawan sa beach woth matching cooking oil pa sa pusod.
Kapag wala ka sa kategoryang yan, wala kang ibang choice kundi magkulong sa library o magbabad sa internet. Dun ako sa magbabad sa internet.
Pinangarap ko lang naman na magkaroon ng ze moves. Yung sexy moooves. Kahit walang abs. Pero parehong kaliwa paa ko at marupok ang katawan ko.