Late na ako nakauwi kagabi. Hindi ko inaalala kung may masasakyan pa ako o ano man. Iniisip ko, baka di ko na maabutan yung bago kung sinusubaybayan na palabas. Yung Dream High. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng sinusubaybayang palabas sa TV.
Alam ko pwede namang manuod na lang ako sa net, idownload o bumili ng DVD sa bangketa. Pero hassle. Atlis pag sa TV lang chill lang ako manunuod at wala pa akong inalalang subtitles.
Nanuod lang ako nito kasi pinapanuod siya ng kaibigan ko. Nahawa lang ako.






