REDemption.
Conceited at self-centered ako gaya mo, niya at lahat ng tao sa planet Earth.

Sabi ko sa sarili ko dati, mahaba ang pasensya ko. Matagal bago ako mapuno. Pero hayskul ako nun. Ngayon, parang isang malaking kasinungalingan na lang lahat ng yun.

As in, punong-puno na ako. Gusto ko na lang sumabog. Nahirapan din ako magblog kasi una, walang oras. Pangalawa, naconscious ako kasi sabi ng kakilala ko, one-sided daw yung mga pinagsasabi ko dito at pinagmumukha kong masama yung kabilang panig.

In my defense (choroy), hindi yun ang intensyon ko. Una sa lahat, paano ko masasabi yung isang panig kong hindi ko naman ito alam. Ano, magiimbento ako? Masmasama naman yun. Saka we always have are own biases. Walang neutral sa mundo. Pangalawa, hindi ko hawak paano ang magiging interpretasyon ng mga mambabasa sa mga pinaglalalagay ko dito.

Salamat sa aking mabuting kaibigan at sa kanya ako nakapaglabas ng sama ng loob kanina. Yung hindi ka sasabihan ng kung ano-ano kasi alam niyang down ka na nga. Yung iintindihin ka niya kasi alam niya pinagdadaanan mo. Yung alam niyang kailangan mo lang ng makikinig at hindi magsesermon sayo. Ano ka, pari? Homily? Minsan kasi, wag masyadong self-righteous.

Sa tingin ko, yun ang halaga ng isang kaibigan. Yung may makakaunawa sayo sa kabila ng lahat at gaano man ka-one-sided yang kwento mo. Na kahit may problema siya, papakinggan ka niya at hindi ka niya huhusgahan. Ipaparamdam niya sayo na may puwang ka sa buhay niya, na ispesyal ka at hindi ka lang muta sa universe at hindi ka nagfifish lang ng awa.

Salamat dun sa kaibigan ko na yun. Mwahugs.

Sorry sa abala.

Buti pa talaga ang multo nagpaparamdam. Yung iba dyan ni-hi, ni-hello wala talaga. Ewan, ba’t pa kasi ako nagtext. Sabi ko na nga na hindi ako magtetext. Natatakot lang ako na hindi niya replyan. Pero puta, sinabi ng kaibigan ko na subukan ko lang, wala namanmawawala. Ayun, sinubukan ko naman.

Ampanget ng feeling pag di nagrereply sa text mo. Para kang inisnob pagkatapos mo siyang tawagin ng malakas tapos lahat mapapatingin sa’yo. Sabi na talaga eh.

Kung tutuusin, wala naman akong sasabihin sa kanya. Kaya ayoko rin itext. Pero gusto ko siya kausap kahit walang pag-uusapan. Labo men. Kaya pag nagreply man siya sa text ko, di ko rin alam irereply ko. Pero tangina talaga, bahala na. Pero wala.

Pakiramdam ko abala lang ako sa kanya. Di bale na. Wag na.

Stuck right here and the world forgot

Tama nga yung adviser ko nung nasa 2nd year high school ako. Hindi maganda yung pakiramdam na kinakahon ka ng mga tao sa iisang kategorya lamang. Tipong yung pinaka negative trait mo, ikakahonka nila dun forever. Isang maliit, masikip, madilim nak ahon at kahit anong pilit mo kumawala, wala. Wasted effort.

Ang hirap. Kahit ako gusto ko ng baguhin yun. At nakikita ko naman yung pagbabago sa sarili ko. Hindi na ako gaya noon. Swear. Pero hanggang ngayon, yun pa rin yung label nila sa akin.Tipong sa bawat bagong tao na makilala namin, ganun ang pakilala nila. Para bang yun lang yung bumubuo sa pagkatao ko. Na yun lang yung ako.

Alam ko kasalanan ko rin. Pero yun iextend pa nila, di ba kasalanan na nila yun? Sana naman buksan na nila yung kahon para makawala na ako. Ang hirap. Kung sila mismo di nila ako hinahayaang magbago, pano ko mababago yung sarili ko?

Kahit saan na lang! God, why?

Tuwing naglalakad ako tapos may makikita akong magdyowang sweet sa isa’t isa, tipong holding hands and all shizz pa, binubulong ko sa sarili ko o kaya sa katabi ko, magbbreak din yan.

Ang bitter lang pakinggan pero nakakaasar kasi yung PDPI nila eh. Tangina. Di sila maghanap ng lugar kung saan walang maiirita sa lampungan nila.

Gets naman namin na kayo and all pero wag naman OA na nakakainggit para sa mga single na kagaya ko? May tamang lugar para sa lahat ok? Kung mayaman lang ako, binigyan ko na sila ng pang SOGO nila.

Sandal mo sana ang ulo mo sa unan.

Minsan tinanong ng kaibigan ko sa fb status niya, ano raw ang pambabaeng version ng chivalry o ng pagiging gentleman. Napa-isip ako sa tanong na yun. Ano nga ba?

Lagi na lang sinasabi ng mga babae na itrato silang katulad ng mga lalaki. Lagi na lang daw silang naapi chuchu kaya andyan yang mga feminist movements na yan. Kasi daw hindi kapantay ang trato sa kanila ng mga lalaki. Pero ba’t sila hindi nila maturing na kapantay ang  mga lalaki? Humihingi sila ng equality, sinasabi nilang dapat silang paupuin ng mga lalaki sa bus. 

Ewan. Nakakaasar lang kasi pero di naman na issue sa akin. Gusto ko lang siya sabihin para may mapost ako. Kasi nag outing kami ng org ko. Tapos binigyan kami ng room assignments tapos puro babae kasama ko. 7 o 8 ata kami at ako lang ang lalaki. May 2 kama na good for two lang. Tapos ayaw nila ako pahigain sa kama. Lahat sila sa kama tapos ako sa kudtson. Ang sexist lang. Sexist lang talaga.

Pero ok naman na ako sa kudtson. Naawa ako sa mga kasama ko. Pag iniisup ko lang yung tulog na yun, natatawa na lang ako.

Angry bird - bird ni Hulk

Okay, mayabang ako. Iyayabang ko na hindi ako nagagalit sa iba. Ewan. Napakahaba ng pasensya ko at napaka understanding ko, Seryoso. Oo, siguro iniisip niyo anong masama dun. Pero di ba nga, lahat ng masama ay sobra? Kahit nga si Hesus nagalit eh. Bakit hindi ko magawang magalit sa iba?

Minsan yung tao na yung mali, hinahayaan ko magpaliwanag tapos uunawain ko na lang kung ano man yung binigay niyang dahilan, mapa palusot man o totoo. Minsan ako pa yung nagpapakumbaba para lang magkaayos kami ng nakaaway ko. Kahit dapat ako yung galit.

Nagagalit man ako, sa sarili ko sa dahilang hindi ko magawang magalit sa iba. Nag-uumapaw man ako sa Pride at Lust, kulang naman ako sa Anger. Gusto ko magalit sa ibang tao. Magwala. Sumigaw. Manakit. Ba’t ambait ko masyado? Ba’t ang yabang ko?

Strain sa Brain. Hassle sa Muscle. Oh well, paper.

Putek lang. Seryoso. Naasar na ako. Hindi ko dapat ito ginagawa pero ako pa rin yung gumagawa. Ang hirap, seryoso! Pero dahil mahal ko yung mga taong yun, inako ko na yung responsibilidad na magorganize ng outing namin.

Ang hirap. Yung iba pasensitive na ayaw sa ganyan kasi ganito. Yung iba hanep kung makasuggest ng lugar. Yung iba kapos ang budget. Alam mo yung kailangan ko maghanap ng lugar na pasok sa lahat ng criteria nila? Saan ako tatae ng ganung lugar?

Things I do for love.