REDemption.
ayusinmonbuhaymo.tumblr.com

Mababaw at tatlong oras lang tulog ko kanina. Ang hirap matulog sa isang kwartong malamig tapos wala ka pang kumot. Tapos wala ring mapagsiksikan yung extremities ko na giniginaw. Kaya hindi talaga kumportable tulog ko. Medyo nakasaglit ako ng medyo malalim na tulog. Nasabi kung malalim kasi nanaginip ako. 

Midterms exam namin mamaya sa chem class ko at di pa ko nag-aaral. At sa tingin ko yung exam eh tungkol sa concentration na seryosong hindi ko alam kung formula. Pero wala akong gana mag-aral.

Ewan ko pero hanggang ngayon napaka patapon at petiks pa rin ng pamumuhay ko bilang isang estudyante. Kung paano ako noon, ganito pa rin ako ngayon. Siguro kasi naging kumportable na akong nakakapasa sa ganitong paraan. Pero mali eh. Kaya ko namang mas pagbutihin pa.

Nakikita ko yung mga kasamahan ko, nag-aaral. Nagbabasa ng kanilang mga readings. Di ko alam kung bakit di ko siya ginagawa. AT! 3 na ang quiz na nabagsak ko sa 2 magkaibang asignatura. Natatakot ako pero wala akong ginagawa.

Anong mali sa akin? Dapat ko na talaga ayusin buhay ko.

It don’t mean a thing tonight

Habang papasok kanina, pakanta-kanta ako habang naka-upo sa likod ng tricycle. Binabalikan ko yung mga kantang tumatak sa akin nung nag-uumpisa pa lang ako sa hayskul.

I ask her to stay, she wouldn’t listen…

Ewan. May kung ano sa mga kanta noon ng Maroon 5 kaya kinakanta-kanta ko. Tipong bawat salitang kinakanta ko eh may kapiraso ng nakaraan ko ang bumabalik sa akin. Hindi kailangan relatted sa liriko. Parang kung anong giagawa ko nun o anong kinahuhumalingan ko nung panahong sumikat yun.

Throw it away, forget yesterday, we’ll make the great escape…

Buti na nga lang at hindi ako nacarried away sa pagkanta kanina sa tricycle nan. Baka nairita yung driver at yung katabi ko.

Ba’t kasi wala ng ganyang klase ng mga kanta ngayon? Tipong may lalim, may kwenta yung lyrics. Hindi lang puro sex, party, pagkawasak, pagkabasag, fuck you and all that shitness sa mundo. Kaya siguro stuck pa rin ako sa HS songs ko.