REDemption.
People R People R Us

Nakakainis yung mga taong maarte at nag-iinarte ng wala sa lugar. Tipong andaming reklamo sa mga bagay-bagay pero kong titignan mo naman eh, wala silang karapatang magreklamo tungkol dun.

Para bang isang asong ayaw kumain ng dogfood kasi mas gusto niya kumain ng pagkain ng tao. Tipong tinataas niya ang sarili niya ng isang antas. Kaso pilit talaga. Nakakainis lang talaga. Tapos kung makareklamo akala mo kung sino silang wiltime bigtime.

Isa pa dyan yung mga tao na kung umasta eh akala mo bata pa rin sila na inaalagaan pero kung titignan mo sila eh ang laking mama na. Tipong kung ano ang kinalaki ng pangangatawan nila eh ganun naman sila nagpapakababy. Leche lang.

Matanda ka. Umasta ka sa edad mo. Ayos lang naman magpakabata minsan. Pero magmature ka naman. Hindi yung puro paglalaro ang inaatupag mo. Hindi yung puro ka lang palusot kasi ayaw mo. Tumindig ka at sabihin ang gusto mo. Huwag ka ng magtago sa palda ng nanay mo. Hindi ka na bata.

Paasang talkshit of the day moment.

Nitong mga nakaraang araw, parang napapadalas ang karanasan ko sa mga taong paasa o ‘talkshit’…

Ayoko sa lahat eh yung mga taong paasa. Minsan hindi naman nila sinasadyang magpaasa sila pero parang ganun ang nangyayari para sa akin. Hindi ko alam kong ako ba ang mali na umasa sa kanila.

Ayokong umasa kasi ayokong naghihintay sa wala. Isa sa mga bagay na ayoko ay ang sinasayang ang mahahalagang oras ko sa paghihintay sa wala. Ayos lang kong may mahihintay ako. Basta lang meron. Pero kapag wala, pwede ba kitang tutukan ng shotgun sa ulo?

Isa pa, ako itong taong hanggan alam ko may katiting pang dahilan para umasa, aasa ako. Kahit alam ko naman ng wala na, andun pa rin yung maliit na butil ng pag-asa sa akin. Pag-asang makita ka. Pag-asang maka-usap ka. Pag-asang makasama ka kahit sa mabilis na panahon man lang.

Kasi ayoko yung pakiramdam na umaasa sa wala. Nadidismasaya lang ako. Kagaya pag-uwi ko, wala ng ulam.

ayusinmonbuhaymo.tumblr.com

Mababaw at tatlong oras lang tulog ko kanina. Ang hirap matulog sa isang kwartong malamig tapos wala ka pang kumot. Tapos wala ring mapagsiksikan yung extremities ko na giniginaw. Kaya hindi talaga kumportable tulog ko. Medyo nakasaglit ako ng medyo malalim na tulog. Nasabi kung malalim kasi nanaginip ako. 

Midterms exam namin mamaya sa chem class ko at di pa ko nag-aaral. At sa tingin ko yung exam eh tungkol sa concentration na seryosong hindi ko alam kung formula. Pero wala akong gana mag-aral.

Ewan ko pero hanggang ngayon napaka patapon at petiks pa rin ng pamumuhay ko bilang isang estudyante. Kung paano ako noon, ganito pa rin ako ngayon. Siguro kasi naging kumportable na akong nakakapasa sa ganitong paraan. Pero mali eh. Kaya ko namang mas pagbutihin pa.

Nakikita ko yung mga kasamahan ko, nag-aaral. Nagbabasa ng kanilang mga readings. Di ko alam kung bakit di ko siya ginagawa. AT! 3 na ang quiz na nabagsak ko sa 2 magkaibang asignatura. Natatakot ako pero wala akong ginagawa.

Anong mali sa akin? Dapat ko na talaga ayusin buhay ko.

You treat me like a Roosevelt, you give me room to grow…

Badtrip lang yung drayber kanina na naghatid sa akin sa Monumento station. Di man lang ako binaba dun mismo sa hadgan. Pinalakad pa ako kasi wala daw U-turn. Tapos 40 minuto na lang klase ko na. Nakakaburat lang.

Kasi kinuha kaming artista para music video project ng pinsan ng kaibigan/orgmate ko. Kaya kahit ala-una pa klase ko, pumasok ako sa school ng alas-syete y media para pumunta sa UP village ata. Basta ganun.

Natuwa naman ako dun sa shoot. Nanggapos, nambugbog at nambully lang naman kami dun sa kinidnap namin. Ang sarap pala talaga maging kontrabida. Napaka superior ng pakiramdam lalo na at nakagapos yung bida.

Kaso badtrip lang talaga yung drayber. Sabi kasi sa Roosevelt ako ibaba. Akala niya kung saang Roosevelt. Di niya alam Roosevelt station. Muntik pa akong ibaba sa sakayan ng jeep. Eh pa-DLSU nga ko eh. Hassar! (hassle + asar)

Buti na lang hindi sukdulan yung pagkalate ko. Dumating ako ng mga 1:10 tapos kumopya pa ako sa take home quiz ng kaklase ko kasi di ko pa nagagawa ng maayos habang parang gripo yuung pagtulo ng pawis ko. Bali 1:20 na ako pumasok sa loob ng silid aralan.

Talking Duuuuurrrrrrty.

Kanina, nabanggit ng prof ko na yung debate sa RH Bill ay gagawin na sa Filipino para masmauunawaan ng nakakaraming Pilipino. Pero sa kabila nito, pananatilihin yung mga salitang tumutukoy sa maseselang bahagi ng tao sa ingles.

Napa-isip ako. Tinanong ko yung prof ko bakit ganun. Porke’t sa Filipino ba ginagamit ang isang salita, nagiging bastos na ito? Na mas angkop sabihin ang penis kesa sa titi? Hindi ko alam kung diskriminasyon ba ito sa wika natin o ano.

Sabi niya, nasa pag-iisip lang naman natin yan. Kung yung mga dalubhasa sa linggwistiko ang tatanungin, pareho lang yan.

Kasi nasanay tayo na mas “matino” ito pakinggan kung sa ingles ito babanggitin. Hindi ako magpapakahipokrito. Natawa din ako nung sinabi nng prof ko na mas ok sabihin na penis kesa dun sa termino niya sa Filipino.

Discrimi Nation

May napuna lang ako sa mga palabas sa telebisyon: lahat ng papel ng bida ay napupunta sa maganda. Lahat kahit panget ang papel. Siguro naman kilala niyo ang role na Betty La Fea? Alam natin na isang panget na kalihim si Betty La Fea ng kanyang gwapong boss. Isang PANGET. Pero sino ang gumanap sa papel niya? Ang magandang artista na itago natin sa pangalang Bea Alonzo! Madaya. O kaya ang kampanerang kuba na si Imang. PANGET nanaman ang karakter na yun pero ginampanan ng maganda at sexy na si Anne Curtis.

But wait! There’s more! Kahit ang papel ng maitim ay napupunta sa mapuputi. Gaya na lang ng karakter na mula sa Basahang Ginto na si Orang na napunta sa maputi na si Carla Abellana. Tapos meron nanaman yung Nita Negrita na gagampanan ni Barbie Forteza. Maiitim ang karakter pero mapuputi ang gaganap.

Kung tutuusin, marami namang panget na pwedeng kunin sa papel pero sa maganda tao pa rin napupunta. May mga maiitim naman na masaakma sa papel pero kinukuha yung mapuputi. Ang akin lang ay ANG MAGANDA AY PARA SA MAGANDA, ANG PANGET AY PARA SA PANGET, ANG MAPUTI AY PARA SA MAPUTI AT ANG MAITIM AY PARA MAITIM.

Coca-Cola Lasagna ang yung minahal…

Pag akyat ko mula sa baba kasi di naman pwede umakyat mula sa taas… basta ganun. Pumunta ako sa classroom galing recess. Yun. Pag-akyat ko, parang napakahyper ko ng walang dahilan. Parang tumaas ang energy ko at nagwala na parang ewan. Bigla na lang akong napapakanta ng “It’s My Life” at “I’d Do Anything For Love”. Tipong ramdam na ramdam ko pa yung pagkanta na parang nasa entablado ako nagrerekenroll with matching headbang.

Tapos maya-maya, nalaman ko na nahulog yung ID ko. E, spare ID ko na lang yun kasi nawala din kahapon yung ID ko. Tapos nalaman ko nawala din ngayon ID ko. Anaknang! Parang nahigop sa kung saang galaxy lahat ng enerhiya ko. Pag-akyat ko pagkatapos ng lunch, tulala ako. Tuliro. Di malaman ang gagawin. Umakyat ang badtripness ko sa pinakamataas na level. Badtrip. Badtriplang talaga.

Hanggang sa nakita yung ID ko na nawala kahapon sa ilalim ng upuan ng nasa harap ko.