REDemption.
 Choice

Choice

My superhero paraphernalia. Unti-unti kung binubuo yung malupit kong costume.

My superhero paraphernalia. Unti-unti kung binubuo yung malupit kong costume.

Pelikula ng Taon ni Cori

At ang pelikulang tumatak sa akin ng bonggang bongga at tumagos sa buto’t balunbalunan ko nung pinanuod ko para sa taong 2011 ay…

GREEN LANTERN!

Oo, ang Green Lantern. Alam ko napakadaming magagandang pelikula para sa taong ito na higit na kayang durugin ang Green Lantern pero kasi, may kakaibang impak at sampal sa akin ang pelikulang ito.

Lalo na yung naisipan na magquit agad ni Hal sa pagiging isang Green Lantern kasi natatakot siya. Habang pinapanuod ko yung eksenang yun, para akong nakukuryente kasi sobrang nakakarelate ako…

Kung babalikan ko ang mga nakaraang buwan, andami kong pinagquitan. Isa na dyan eh yung Animo Squad. Andun na ako eh. Kasali na ako. Kaso hindi ko kinakayang mag cart wheel. Hindi ko kaya kasi natatakot ako. Kaya ayun, napaquit ako agad-agad.

Ngayon nga’t bumabalik nanaman sa akin yung tukso ng pag quit kasi natatakot ako. Naisipan ko na tumakbo para sa isang posisyon sa org ko. Kaso natatakot ako baka lamunin ako ng kapangyarihang kasama nito. Pero nasa akin naman yun eh. Sabi nga sa akin, “huwag kang magbabago” Marahil sapat na yun para go lang ng go.
Saka di ako basta-basta pwedeng magquit, may mga pinangakuan akong tao kaya dapat tuparin ko yun. Hindi naman sa wala akong takot kundi meron akong kakayahang higitan ang takot ko.
Kaya ayun, dahil sa nakakarelat ako sa pelikulang ito, ito ang aking film of the year. Ang epal ng rason no?
Dream job.

Dream job.

Dalawang araw ng Green Lantern yung palabas sa bus na nasasakyan ko. Kaya ayun, bumabalik nanaman yung pagkawili ko sa iba’t ibang Lantern corps. Mahilig kasi talaga ako sa mga makukulay na bagay gaya nito.

Pinagkunan.