REDemption.

Its THE Bandageboy sa Vigan. Kakaiba yung vibes ng lugar. Ang ganda. Yung makalumang istilo ng mga bahay, batas. Nakakatuwa at napreserve nila yung ganung mga bahay. Pati ata yung mga aircon dun preserved eh. Bawal galawin. Oye. 

Hindi talaga mabibigyan ng hustisya ng larawan yung ganda ng Kapurpurawan (kung saan daw nagshooting yung latest Enteng) at yung kagwapuhan ko. Sayang. Ayan, nag-ala-turista ako sa Ilocos nung nakaraang weekend. Badass.

Babala, nakamamatay mainlove. Lalo pag tanga.

Para kang tanga, sinabi mo noon di mo siya magugustahan, ngayon inlove ka na.

Para kang tanga, alam mong may hinihintay siya, sinisiksik mo pa rin sarili mo sa kanya.

Para kang tanga, ang layo mo sa hinahanap niya, umaasa ka pa rin sa kanya.

Para kang tanga, alam mo namang go with the flow lang siya, sineseryoso mo naman na.

Para kang tanga, tinataboy ka na nga, ayaw mo pa ring tantanan.

Para kang tanga, madalas na nga kayo malabo, naniniwala ka pang maayos mo pa.

Para kang tanga, di talaga ikaw gusto niya, sana maintindihan mo na.

Para kang tanga. Hindi pala para, tanga ka talaga. 

Trying to make sense of us

Heto nanaman ako, nagmumukhang tanga…sa display picture ko. Okay?

Pero kasi ang init na ng panahon. Seryoso. Naligo na ako lahat-lahat, hindi pa rin ako natutuwa sa init na nararadaman ko. Malapit na nga talaga ang tag-init. Uso nanaman ang halo-halo at bungang araw.

Naalala ko noon, nagkaka bungang araw ako. Kadiri hawakan. Parang may tumutubong durian sa balat ko. Butlig-butlig. Ew.

Tapos nagshoot pala kami kanina sa Manila Bay. Jusko. Umaalingasaw yung amoy. Sarap singhutin tsong. Tapos ang hirap ng shinoot ko (as usual, ako nanaman ang dakilang bida): kailangan ko maupo sa harang sa Manila Bay ng 30 minutes para sa isang less than 5 minutes na time lapsa effect. Di ko kinaya yung dayalog ko.

At ang pagsuko at pagtigil sumubok ay hindi nangunguluhugan na hindi mo ito ginusto ng sobra kundi minsan alam mo lang kailan ka hihinto para hindi ka na magmukhang tanga. At para makafocus ka na sa ibang bagay na magpapasaya sa’yo.

Sabi nila pag mahal mo ang isang tao na may mahal na iba, ang selfless mo. Para sa akin, ang selfish mo. Hindi mo naman siya minamahal para sa iba eh. Minamahal mo siya para sa sarili mo kasi dun ka masaya pero in a way, dun ka dn nagmumukhang tanga.

Gusto ko ng malamig na tubig.

Vain Time with Pau the Lady Archer and Jake the Dog

…at MIA ang pinaka in-demand na tao sa APP, si Emman the human. Eh di sana umpleto tayong tatlo. Tsk tsk. Kasi pabalik pa lang daw siya. Kyuti hats give you the excuse para magpakavain. 

oh hey! Smile!

Anong ibig sabihin mo sa "akala ko kakain kang tayo sa mcdo"? Masiyahin ka? Ayos lang. Gusto ko pa ding makinig sayo at samahan ka kahit alam ko na madami kang tinatago.
Anonymous

Joke lang yun. Hahaha! Para naman akong Psychotic killer sa sinasabi mo. Grabe. Sige, still waiting poez.

Gusto niya magpapicture sa akin, pinagbigyan ko naman. Gwapo ko eh. Chos.

Friend, yan si Faye. Kasabay ko yan nag tryouts noon sa Animo Squad. Kung alam mo yung pinagdaanan ko nung mga panahong yun, alam mo anong meron. Hihi.