October 2011
2 tags
Napapasayaw kapag naririnig ko yung chorus.
Halos katatapos lang ng klase ko. Mamaya ulit 2pm. Medyo gutom na ako. Almusal pa lang kinakain ko. Nakatambay muna ako sa harap ng PC kasi wala akong ginagawa. Matagal ko ng tinapon ang social life ko eh. Eniweys…
Nakikinig ako kanina ng Rolling in the Deep cover ng Linkin Park. Yung kaklase ko kasing German kanina, kinakanta-kanta eh. Nakaka-LSS tuloy
Pagkatapos, Love You Like a Love...
Anonymous asked: Kamukha mo ex ko :( Dyan sa Blog Pic mo xD
3 tags
3 tags
You give love its baddest name.
Ba’t ganyan kayong mga babae? Pagkatapos namin kayong pakitaan ng pagmamahal, pag-aaruga, pagkalinga, at kung ano-ano pa, katawan lang namin ang habol niyo?
Simple lang naman ang gusto namin eh. Yun ay ang suklian niyo ang pagmamahal na pinaparamdam namin sa inyo. Na sana alagaan niyo kami gaya ng pag-alaga namin sa inyo. Hindi na nga magka ugaga yung kamay ko kung paano ka paliligayahin...
2 tags
Puss in Photoboots 3D
Balak ko talaga ngayong araw eh magpaphotobooth kasama yung mga kaseksyon ko. Wala naman silang sinabing gusto nila. Nag-assume lang ako. Basta gusto ko lang kasi talaga. Ewan. Sa sobrang kagustuhan ko, nag long sleeves at pabango pa ko kahit di naman naamoy yung pabango sa picture.
Kaso pinagbawalan kami magphotobooth nung hapon na. Para lang daw yun sa mga thunders na nagdiriwang ng 100...
Anonymous asked: medyo hawig kayo ni budoy.
3 tags
Buti pa si Rizal.
Prof: Magfocus kayo sa ibang anggulo sa buhay ni Rizal. Huwag na yung common bla bla bla bla gaya ng topic tungkol sa babae ni Rizal. Gasgas na yun.
K: Pati yung mga babae gasgas na.
Prof: Ano yun?
Kami: Hahahahaha
1 tag
5 tags
Inconsistent foolish heart.
Dahil wala akong magawa, subukan nating intindihin ang chorus ng ALL I NEED ng SIDE A.
All I need Is just a little more time
Ang tanging kinakailangan ng taong ito ay oras. Marahil lagi siyang huli o kapos sa oras. Siguro marami siyang kailangang gawin. Hindi niya kailangang kumain o matulog. Kailangan lang niya ng oras. Kaunting oras lang para…
To be sure of what I feel Is it all in...
3 tags
4 tags
ayusinmonbuhaymo.tumblr.com
Mababaw at tatlong oras lang tulog ko kanina. Ang hirap matulog sa isang kwartong malamig tapos wala ka pang kumot. Tapos wala ring mapagsiksikan yung extremities ko na giniginaw. Kaya hindi talaga kumportable tulog ko. Medyo nakasaglit ako ng medyo malalim na tulog. Nasabi kung malalim kasi nanaginip ako.
Midterms exam namin mamaya sa chem class ko at di pa ko nag-aaral. At sa tingin ko yung...
4 tags
2 tags
Nasanay na akong nakatsinelas sa loob ng CR.
Tuwing lumilipat kami ng bahay, isang bagay agad ang tinitignan ko: ang banyo. Seryoso. Para sa akin, walang kwenta ang kagandahan ng isang bahay kung ampangit naman ng bayo nito.
Naalala ko dati yung unang nilipatan namin sa Antipolo kadiri yung banyo. Masikip, madilim, tapos walang tiles at walang takip yung inidoro. Yun yung ayoko sa banyo eh Yung kulay grey dahil walang tiles at umaalingasaw...
2 tags
Pagkahulog Ko sa Elevator
Kabanata VIII
“Nahulog mo sa jeep,” sagot ko. Sinabi ko na yung totoo. Wala akong maisip na kasinungalingan sa harap ng isang anghel.
Naglakbay ang utak ko. Paano kung tanungin niya ba’t di ko binalik agad sa kanya? Paano kung tanungin niya kung saan ko nakita. Paano na lang kung tanungin niya anong motibo ko sa pagkuha at pagtago ng wallet niya? Bahala na.
...
1 tag
3 tags
13 taon ako dyan tapos ngayon lang!? Go lang!
Nakakagalak malaman na pagkatapos ng napakaraming taon ay nagawang nakapasok yung GS/HS ko sa NCAA juniors basketball finals. Kung kelan ako nagtapos, saka nama nila naisipang pumasok sa finals. Di ko alam kung sadya o malas lang ako kaya di sila nakapasok nung andun pa ako.
Mamaya na ata yung unang laban ng CSB-LSGH Greenies kontra sa SBC Red Cubs. Pero mukhhang hindi magiging madali ang laban...
2 tags
I'm going home to the place where I belong
Dito na ko umuwi sa bago naming inuupahang bagay. Medyo nakabag pa yung mga gamit kasi kakalipat lang nila kanina. Wala ako kasi nasa eskwelahan pa ako nun.
Natutuwa ako dito sa bago naming bahay. Sobrang nag improve yung banyo namin. Yun talaga eh. May watergun na para sa pwet kapag tumae. Grabe. Akala ko pang mayaman lang yun pero meron na kami. Tapos gumagana din yung shower. Leche, natutuwa...
4 tags
My pencil is long.
Princess: Anong twitter mo?
Ako: Lapisnicori
Princess: Ang haba naman.
Ako: Hahaha! Mahaba talaga yan!
1 tag
2 tags
Hanggang sa susunod!
Nagsitayuan na ang lahat. Tapos ng kumain. Oras nanaman para magkahiwalay at maguwian kami. Hindi alam kung kelan ulit magkikita-kita…
Aalis na lang agad ako. Habang abala ang lahat sa pagpapaalaman, tahimik na lang akong mawawala sa kumpulan ng mga tao. Mag aala-ninja na naglalaho sa dilim ng gabi.
Habang maingay ang lahat sa pagpapaalam, tahimik akong maglalakad ng mabilis. Hindi na...
1 tag
2 tags
Pagkahulog Ko sa Elevator
Kabanata VII
Hindi ko alam nasaan na ko. Teka, papunta ba ‘to ng condo? Oo. Babalik na siya sa condo niya. Patawid na ko ng biglang may dumaan na kotse sa harap ko. Shit. Muntik na ko mamatay bago ko makilala yung babaeng nagpapatibok ng puso ko.
Papasok na siya sa elevator ng makita ko siya. Dali! Potek! Pasara na yung elevator!
“Teka!” sigaw ko.
At nakahabol naman ako. Wew....
2 tags
Even the wrong words seems to rhyme.
Nakakatuwa yung may kaibigan kang nakakakwentuhan mo ng kung ano-anong bagay na hindi mo madalas maikwento sa ibang tao. Tapos sa kanya mo pa sinasabi yung mga sama mo ng loob na umaasa kang siya mauunawaan kahit ok na may masabihan ka lang.
Hindi mo alam anong meron. Hindi mo alam pero parang may kung ano na nakakatuwa na magkwento sa kanya. Kahit ano lang. Minsan nga dinadaig pa niya yung...
1 tag
5 tags
2 tags
1 tag
Pagkahulog Ko sa Elevator
Kabanata VI
PUTEK! Ang tagaaaaal tumunog ng bell! Gusto ko ng umalis sa walang kwentang klaseng ito! Gusto ko ng pumunta sa KFC para makiita siya! Ugh! Leche! Mukhang matatagalan pa bago kami palabasin ng prof kung kampon ni Satanas. Asar.
KRIIIIIIIIIIING!!!
Sa wakas! Teka, narining ba niya? Ba’t parang tuloy-tuloy pa rin siya sa pagsasalita? Gusto ko sabihin na “MA’AM TIME...
1 tag
2 tags
You treat me like a Roosevelt, you give me room to...
Badtrip lang yung drayber kanina na naghatid sa akin sa Monumento station. Di man lang ako binaba dun mismo sa hadgan. Pinalakad pa ako kasi wala daw U-turn. Tapos 40 minuto na lang klase ko na. Nakakaburat lang.
Kasi kinuha kaming artista para music video project ng pinsan ng kaibigan/orgmate ko. Kaya kahit ala-una pa klase ko, pumasok ako sa school ng alas-syete y media para pumunta sa UP...
3 tags
2 tags
Mabahong usapan.
Ayoko talaga yung pakiramdam ng natatae ka tapos alam mong walang paaran para tumae ka. Ayoko rin yung sobrang bigat ng tyan ko. Na sa sobrang bigat, gusto ko ng magbawas.
Hassle talaga. Saan-saan ako nauutot kanina habang naglilibot sa mall. Tapos sobrang barado pa yung ilong ko kanina kaya hindi ko alam kung may amoy ba yung utot ko. Kadiri lang. Basta alam ko wala siyang tunog. Hindi naman...
2 tags
Pagkahulog Ko sa Elevator
Kabanata V
Kung iisipin mo na bababa ako sa jeep at hahabulin siya, mali ka. Tinago ko yung wallet niya sa bulsa ko. Ewan ko paano pa siya makakauwi ng wala yung wallet niya. Basta akin muna ‘to.
Pagkadating ko sa bahay, pumasok agad ako sa kwarto ko. Tinignan yung wallet niya. Meron siyang 2000 pesos at kung ano-ano pang anik-anik sa loob ng wallet niya.
Ginahasa ko pa lalo yung wallet...
2 tags
Top 5 Favorite Superheroes
5. Green Lantern
Mula ng napanuod ko yung movie nito at nagsimulang basahin yung Blackest Night (na hindi ko pa tapos), nasimulan ko ng magustuhan ang mga Green Lantern. Kung mapapayag ko ng Green Lantern ring yung wedding ring ko, ang cool lang.
4. Spider-Man
Paborito ko Spider-man lalo na nung grade seven ako. Yun kasi yung hype yung ipapalabas pa lamang na Spider-man 3. Gusto ko siya...
2 tags
Antanda.
Sabi lang sa amin ng sub prof namin na napaka morbid daw nating mga Pilipino sabi ng kakilala niyang Hapon kasi may torture device tayo sa mga silid-aralan natin sa mga Catholic school.
Tama nga naman, isang torture device ang krus na nakalagay sa bawat silid aralan ng mga Catholic school. Pero bilang isang Katoliko, pinalaki tayo na yun ay sumisimbolo ng pag-ibig at pagsasakripisyo ni Hesus para...
4 tags
Sabaw me is sabaw.
Nikki: Paano tanggalin pagka sabaw ng isang tao?
Ako: Sipsipin mo.
2 tags
I only wish I had the strength to let it show.
Inaamin ko sa lahat ng taong andito…er…basta yun. Problemado ako. Seryosong problemado ako. Ngayon lang ata ako naging ganito kaproblema tungkol sa sinasabi nilang pag-ibig.
Sabi sa akin dati na wag ko masyadong isipin ang love. Enjoyin ko lang daw. Kasi ineenjoy naman daw kasi talaga yun. Huwag masyado isipin. ‘Lul.
Ang mahirap kasi dyan, hindi mo maiiwasang isipin yun. Mula...
2 tags
Pagkahulog Ko a Elevator
Kabanata IV
Patay malisya ako. Kunwari hindi ko napansin na sumakay siya. Mahirap pero kailangan kong tumingin sa saan-saan wag lang sa harap ko. Kahit siya ang gusto ko tignan, iwas pa rin.
Pero may mga bagay talagang hindi maiiwasan. Nagkatinginan kami. Hindi ko alam anong magiging reaksyon ko. Ngumiti siya. Tama ba ‘to? NGUMITI SIYA!!!
YUNG PAKIRAMDAM PAGKATAPOS UMIHI. YUNG TIPONG...
2 tags
I'm not crazy, I'm just a little unwell.
Panget ng gising ko ngayong araw. Pagising na pagising ko, ang sakit ng ulo ko. Tipong ayoko talagang dumilat sa pagkapikit ko kanina. Tapos ang sama pa ng pakiramdam sa lalamunan ko. May plema pero ayaw lumabas. Wala akong sipon o ubo. Kailangan ko pang ipilit idura.
Di ko alam kung dala lang ito ng stress ko kahapon. Medyo malabo ba’t ako nastress kahapon. Masaya pa naman ako nung hapon....
2 tags
Pagkahulog Ko sa Elevator
Kabanata III
Define awkward. Ito na ata yun. Tengene. Sobrang awkward na gusto ko na lang malusaw sa harap niya. Shet. Nakatingin silang dalawa sa akin habang nakatingin ako sa kanya.
Dalawang segundo…
Tatong segundo…
Sumayd step ako at naglakad ng diretso papalayo sa kanila. Hindi ko alam ginawa ko pero umalis na lang ako. Shet. Di ko na alam anong gagawin ko. Natandaan kaya niya...
2 tags
Little flower, won't pick you up
Kahit gusto ko, ayoko.
Ayokong yakapin ka, baka isipin mo tsinatsansingan kita at lumayo ka. Ayokong akbayan ka baka isipin mo nilalandi kita at tanggalin yung kamay ko. Ayokong hawakan ang kamay mo, baka bumitaw ka lang. Ayokong halikan ka kahit sa pisngi, baka isipin mo masyado akong presko at punasan mo lang. Ayokong tignan ka diretso sa mata, baka mailang ka at lumayo ang tingin sa kin....
2 tags
3 tags
It don't mean a thing tonight
Habang papasok kanina, pakanta-kanta ako habang naka-upo sa likod ng tricycle. Binabalikan ko yung mga kantang tumatak sa akin nung nag-uumpisa pa lang ako sa hayskul.
I ask her to stay, she wouldn’t listen…
Ewan. May kung ano sa mga kanta noon ng Maroon 5 kaya kinakanta-kanta ko. Tipong bawat salitang kinakanta ko eh may kapiraso ng nakaraan ko ang bumabalik sa akin. Hindi kailangan...
2 tags
But we didn't gone much further than I thought...
Cause you keep me coming back for more and I feel a little better than I did before…
Suntukan tayo? Sino nagsabing basahin mo ‘to? Joke lang. Di ko lang alam saanuumpisahan yung sasabihin ko. Eniweys, andami kung inaasahan ngayong araw. Tatlo lahat-lahat. Pero dalawa lang nakamit ko pero ayos na rin kasi nakuha ko yungpinaka aasam ko sa araw na ito.
Ganun pa rin. Kagaya ng dati....
2 tags
Pagkahulog Ko sa Elevator
Kabanata II
Mabilis siya maglakad pero nakikisabay ako. Hindi pwedeng mawala siya sa paningin ko dahil alam ko baka hindi ko na siya ulit makita pa. Lumabas siya sa gusali, lumabas din ako. Hindi ko na ininda yung pagtawag sa kin nung mama na namamahala sa log in/log out ng mga bisita. Basta alam ko di siya pwedeng mawala sa paningin ko.
Tumawid siya. Tumawid ako. Naglakad lang siya. Sinundan ko...
1 tag
1 tag
8 tags
2 tags
Pag ako sumikat...araw na ako.
NapaMcdo nanaman ako kanina. Ewan. Nahatak ako kahit wala talaga akong balak mag Mcdo kanina. Bukod kasi sa APP opis at sa Andrew 10th floor, Mcdo na siguro yung lugar na madalas kung puntahan sa DLSU/Taft.
Hindi naman sa ayoko ng magMcdo pero ayoko na talaga. Hindi sa nagsasawa ako pero wala nama kasi akong balak kumain. Balak ko talaga eh umuwi ng maaga kumpara sa dati. Kaso yun nga, napaMcdo...
2 tags
Pagkahulog Ko sa Elevator.
Kabanata I
Tahimik akong nakikinig sa mp3 sa cellphone ko habang nakasakay sa elevator. Focus na focus ako sa pinapakinggan kong kanta. Naghihintay na bumaba yung elevator sa ground floor at nasa 34th floor pa lang ako. Taas no? Dinaanan ko kasi yung kapatid ko sa condo niya. Humingi ng pambaon para sa susunod na linggo ng pasukan.
Habang nakikinig ako, bumukas yung elevator sa 24th floor. Wala...