REDemption.
Bandageboy is dead.

Salamat sa lahat ng nagbasa since noon pa. Patawad sa mga iiwan ko. Babalik pa naman ako siguro. Kaso sa ibang pagkatao.

Bilang ala-ala, di ko idedeactivate ito. Iiwan ko siya sa paraan na di ko na siya mabubuksan pa.

Hanggang sa muli!

Love always, Cori

Oh hai der. I’m as cute as fuck. Parang berdei ko. Nakaparty hat pa ako sa beach. Badass!

Oh hai der. I’m as cute as fuck. Parang berdei ko. Nakaparty hat pa ako sa beach. Badass!

Para kay Kris.

Kinaya niyang sabihin in a nice and non-dramatic way yung mga pinamukha mo sa akin. Ewan ko. Kaya naman pala eh. Ikaw lang talaga itong madrama at nagsensationalized ng lahat.

I mean, pwede mo siya sabihin in a way na hindi offensive ang dating. Pero pinili mong ganun. Yung may maasar pa sa’yo. Tapos kapag naasar sa’yo, syempre maasar ka din. Tapos pareho na kayong asar sa isa’t isa. Hashtag life.

Para kang media, you sensationalized things na hindi naman dapat. Yung dapat spark lang nagiging forest fire tuloy. Yung wisik lang, nagiging tsunami. Yung utot sa’yo, LBM na pala ang katumbas.

Seryoso, masarap mabuhay lalo kung hindi mo masyadong sineseryoso at niroromanticize ang mga bagay-bagay sa paligid mo. Baka praning ka lang.

Keep blogging lang brad. Nandyan ka na sa magandang direksyon e, keep it up. :)

Tropang Gunting! Wahahaha! Dinosaur na tayo sa Tumblr ah! Salamat!

Maisingit ko lang ah, lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko, sana magka hater naman ako sa Tumblr. Kaso puro love nakukuha ko mula sa readers ko eh. Oye :”>

Poetic tagalog. Two thumbs up for your personal blog. And I'm not asking anything. And not leaving this message as anonymous. Tanga na kung tanga. Keep blogging!

Olrayt! Tanga na kung tanga! Hahaha! Salamat po! Kung hindi dahil sa’yo, baka next post ay “Bandageboy is dead” na ang title. Nice save!

Kuya, alam nyo po, kahit hindi ko tingnan sa Pahayagang Plaridel ang pangalan nyo sa ilalim ng dibuho, obvious talaga pag ikaw ang nagdrowing. Hahahaha. San mo po nakukuha ang inspirasyon mo sa mga robot? :D
Anonymous

Ganyan din kami sa loob ng APP, alam namin ang style ng bawat isang artist. Cool eh no? 

Uhm, comics, TV, movies. Kung robot, siguro Gundan, Transformers. Basta yung mga sikat na robot na palabas. 

Conceited at self-centered ako gaya mo, niya at lahat ng tao sa planet Earth.

Sabi ko sa sarili ko dati, mahaba ang pasensya ko. Matagal bago ako mapuno. Pero hayskul ako nun. Ngayon, parang isang malaking kasinungalingan na lang lahat ng yun.

As in, punong-puno na ako. Gusto ko na lang sumabog. Nahirapan din ako magblog kasi una, walang oras. Pangalawa, naconscious ako kasi sabi ng kakilala ko, one-sided daw yung mga pinagsasabi ko dito at pinagmumukha kong masama yung kabilang panig.

In my defense (choroy), hindi yun ang intensyon ko. Una sa lahat, paano ko masasabi yung isang panig kong hindi ko naman ito alam. Ano, magiimbento ako? Masmasama naman yun. Saka we always have are own biases. Walang neutral sa mundo. Pangalawa, hindi ko hawak paano ang magiging interpretasyon ng mga mambabasa sa mga pinaglalalagay ko dito.

Salamat sa aking mabuting kaibigan at sa kanya ako nakapaglabas ng sama ng loob kanina. Yung hindi ka sasabihan ng kung ano-ano kasi alam niyang down ka na nga. Yung iintindihin ka niya kasi alam niya pinagdadaanan mo. Yung alam niyang kailangan mo lang ng makikinig at hindi magsesermon sayo. Ano ka, pari? Homily? Minsan kasi, wag masyadong self-righteous.

Sa tingin ko, yun ang halaga ng isang kaibigan. Yung may makakaunawa sayo sa kabila ng lahat at gaano man ka-one-sided yang kwento mo. Na kahit may problema siya, papakinggan ka niya at hindi ka niya huhusgahan. Ipaparamdam niya sayo na may puwang ka sa buhay niya, na ispesyal ka at hindi ka lang muta sa universe at hindi ka nagfifish lang ng awa.

Salamat dun sa kaibigan ko na yun. Mwahugs.